Ang maikiling kwento na Imprastraktura ng Lumbay ay tungkol sa buhay ng isang binata. Sa pamagat ng kwentong ito maiintindihan na ang Imprastraktura na ang ibig sabihin ay pundasyon ng mga bagay at grupo sa lipunan at ang lumbay naman ay kalungkutan. Maganda ang pagkakagamit at pagkagawa ng pagmagat na sinusubukan bigyan ng kahulugan ang hindi nasasalat na “kalungkutan” at upang ipakita at ipahayag ang linalaman ng akda mismo.
Sa unang talata nitong akda makikita ang mga gawain o trabaho na kinasasangkotan ng persona. Ang linyang “Sangmetrong lalim ng pundasyon sa lupang pinangako.” na sinasabi na kulang ang pundasyon na ito sapagkat malambot pa ang lupa sa isang metro o mababaw ito. Pinapakita din ng linyang ito na ang pinagagawa sa kanila na trabaho ay may pagkukulang at hindi magiging matibay. Mahalaga ito dahil sa huling linya ng unang talata sinasabi na “hindi matitinag ng ano mang pwersa sa mundo ang pagibig ko sa’yo” ay mahirap paniwalaan at may kabalintunaan sa mga nasulat na na hindi matibay na pagkakagawa. Ang porma rin ng texto ay nag-iba at “italicized” sa pagpalit ng tono ng akda.
Sa pangalawang talata naman ng akdang ito mapapansin ang pagkakaparehas sa unang talata. Mula sa unang linya “Eksakto ang lapat ng bega sa dulo ng mga haligi” at “mahigpit ang ankla ng buong may sepo” ay nagpapaalam sa mangbabasa na hindi kanais-nais ang tahanan ng persona sapagkat hindi karaniwang ang ganitong bubong na eksakto dahil nakakalusot ang tubig at nakapatong lamang ito sa kanyang tirahan. Nang magbago ulit parang unang talata ang porma at tono ng akda, mayroong ulit na kabalintunaan na sinabi “Matatag itong kanlungan n gating pagmamahalan kung may bago’y sigwa ang buhay” dahil sa paglarawan ng tahanaan niya ay halatang hindi tatagal lalo na kung ito ay mabagyo.
Ang sumunod na dalawang talata ay katulad din ng naunang dalawa, na pagkatapos magbangit ng hindi kanais-nais na sitwasyon ay nagbangit ng positibong bagay. Halimbawa nito ay “At kung maalinsangan ang panaho’y sa kandungan kita patutulugin magdamag” matapos sabihin na banig lamang ang tinutulugan.
Tinapos ang maikiling kwento sa linyang “Ngayon, lusutan ang hanging nananaghoy sa mga bakal na bintanang kinakalawang ng pangungulila.” Na ang natatanging hindi sumunod sa porma ng pagkasulat ng apat na ibang talata. Sa pagsabi na binata at pangungulila masnaiintindihan ang pinagdaraanan ng persona sa kwento. Ang “hanging nananaghoy” ay ibig-sabihin ay nararamdaman ang matingding kalungutan sa persona. Maganda ang pagtatapos na ito dahil nailarawan ng mabuti ang buhay ng persona at ang matinding kaulungkutan mula sa pagbabasa nito.
No comments:
Post a Comment