Ang paksa ay tungkol sa isang palatastas ng dalawang babaeng bumibili muli sa “drive-thru” ng McDonalds. Makikita sa patalastas na nag-ayos ang mga babae at nagpaganda muli matapos nilang maubos ang isang baso ng sundae. Pagkatapos ay bumalik sila sa bilihan at nag labas ng baryang aabot sa dalawampu’t limang piso. Sinabi rito na sulit ang kanilang pera dahil napakamura lang ng bilihin at siguradong babalik-balikan. Nagbayad sila nang pa isa-isang piso at doon na natapos ang patalastas. Dalawa marahil ang layunin ng mga babae, una ay bumili ng sulit na Mc-savers at pangalawa ay magbigay pansin sa isang lalaki. Ang larawan ng babaeng ipinapakita rito ay mga babaeng may kaakit-akit na itsura. Sila ay nakabihis ng maayos at maganda ang pananamit. Nag-ayos sila gamit ang make-up bago dumaan sa McDonalds. Ang babae rito ay nagpapakita rin ng isang tipikal na babae na may gusto sa isang lalaki at ginagawang daan an pag bili ng mga pagkain para masilayan ang natitipuhan.
Mapapansin na mas may kapangyarihan ang mga babae rito dahil una, sila ay mamimili at kailangan itong sundin ng empleyado dahil trabaho nila ito. Pangalawa, dahil kaharap ay babae, likas sa mga lalaki na maging magalang at magpakita ng respeto. Pangatlo, dahil alam na rin ng lalaking empleyado na siya ay binabalik-balikan kasama ng mga murang pagkain, ngiti nalamang ang kaniyang ibinalik sa mga ito. Kung susuriing mabuti isinusulong nito ang Feminismo dahil nabubuwag ang tatsulok na nagpapakita na mas dominante ang mga lalaki kaysa sa mga babae. Sa katunayan, mas nakatataas pa marahil ang uri ng pamumuhay ng babae dahil mayroon silang dalang kotse. Sa konteksto ng Pilipinas, hindi basta-basta nakabibili ang isang empleyado ng Mcdonalds ng isang magarbong sasakyan at magawang magsayang ng pera para lang mapansin ng lalaki. Mas madalas rin gawin ng mga kalalakihan ang ginawa ng dalawang babae sa pangkalahatan kaysa sa mga kababaihan. Sa huli, ang palatastas na ito ay nagsusulong ng Feminismong pananaw dahil naalis ang isipan na mas nakatataas ang lalaki.
No comments:
Post a Comment