Umiikot ang kantang Ligaya sa isang lalaki na kinakantahan ang isang babae na kaniyang sinusuyo. Ipinapakita sa kantang ito na maraming bagay na handang gawin ang lalaki para lamang sagutin o mapansin siya ng babaeng kaniyang sinusuyo. Sinasabi rin ng lalaki na kung sagutin nga siya ng kaniyang babaeng ninanais, mamahalin niya ito ng buong buo at magiging masaya ang madla sa pagkakatuluyan nila.
Ipinakita sa kantang ito na ang babae ay isang taong ninanais at pinapangarap ng mga lalaki. Napakita rin sa kantang ito na ang pagkakaroon ng babae ay magbibigay ng buo at tunay na ligaya sa isang lalaki. Dahil ditto sa mga rason na ito, ipinakita na para sa lalaking umaawit ng kanta, ang babaeng kaniyang ninanais ay ang may sagot sa kapalaran niya at kung makakamit ba niya ang ligayang kaniyang hinahanap. Ito rin ang ipinintang relasyon ng babae sa lalaki sa kanta.
Dahil sa mga napansin kong detalye na aking inilahad sa unang parte ng sulating ito, aking natamo na hindi isinusulong ang ideyaliyang feminismo sa kantang ito. Ito’y aking nasabi dahil hindi ipinakita sa kanta ang karaniwang pag tingin ng lipunan sa babae. Hindi rin ipinakita dito ang karaniwang pagtingin na sa relasyon ng babae at lalaki, ang lalaki ang nagiging dominante. Hindi rin isinulong dito ang layunin ng feminismo na ipakita na kaya ng babaeng ibahin ang pagtingin sakanila ng lipunan sa pamamagitan ng pagsusulong ng kanilang paniniwala na hindi lumalamang ang lalaki sa babae. Itong pagsulong na ito ay nagaganap sa pagbibigay o pagpapakita ng mga konkretong halimbawa ng mga babaeng naging dominante o sa pagpapakita ng istorya ng babaeng dominante.
No comments:
Post a Comment