Sa simula pa lamang ng bidyo mapapansin agad ang diperensiya ng mga taong ipinapakita. Mga suot nilang tsinelas, maluwag o lumang damit at mga patak ng pawis na tumutulo galing sakanilang mga noo. Mga trabaho nila ay mga magsasaka at mga libangan ay ang mag basketbol sa palaruan na binubuo ng isang pirasong lumang kahoy na nakasabit sa puno upang maging isang basketbol ring. Sila’y mga mahihirap. Mga inapektuhan ng walang katapusang problema ng korapsyon sa gobyerno.
Sa unang bahagi ng bidyo, makikita ang grupo ng mga tao na bumubuhat ng malaking bagay. Sa dahan-dahan nilang paglalakad habang buhat parin ang malaking bagay na ito, dahan-dahan din dumadami ang mga taong tumutulong sa pagbuhat nito. Kahit sinumang makakita sa mga taong bumubuhat sa bagay na ito ay titigil sa kahit anong ginagawa nila at makikibahagi. Gusto nilang ipakita dito ang nais nilang gawin natin. Gusto nilang tumigil muna tayo ng sandali sa ginagawa natin maging ito ay paglalaro lamang o pagtratrabaho upang tumulong sa problema ng kahirapan. Ipinapakita rin sa bidyo ang mga taong tumatawid sa tulay para lamang tumulong. Nais nitong ipakita na kahit gaano kalayo o kahirap puntahan ang paroroonan, lalakarin nila upang makisangkot sa kilusan ng pagtapos ng kahirapan.
Sa huli ipinakita na ang binubuhat pala nila ay ang mga bahay gawa sa mga pira-pirasong bakal, goma at kahoy. Ito ay ang karaniwang bahay ng mahihirap na makikita sa paligid ng mga daan. Dahil ito nga ang madalas na nakikitang bahay ng mahihirap, ito’y naging simbolo ng kahirapan. Sa pagtapon ng mga bahay na ito ipinapakita na kung magtulungan lang tayo, matatapos ang kahirapan. Sa pagtupad ng layunin na ito, unti-unti mawawala ang puwang sa pagitan ng mahihirap at mayayaman.
No comments:
Post a Comment