SARI-SARING PAGSUSURI NG IBA'T IBANG URI

SARI-SARING PAGSUSURI NG IBA'T IBANG URI

Wednesday, February 29, 2012

Feminismong Pananaw: Patalastas ng Mcdo (Fries) ni Miggy De Vera


                 Ang patalastas na ito ay tungkol sa isang batang lalaki at isang batang babae na pinag-uusapan kung anong estado na ba ang kanilang relasyon. Noong itinanong ng babae sa kanyang kasama kung sila ba ay magkasintahan na, itinanggi kaagad ito ng lalaki at sinabi niyang hindi pa siya handa dahil “demanding” daw magkaroon ng syota. Dito pa lang sa simula ng patalastas ay hinuhusgahan na kaagad ang mga babae. Sinasabi dito na maraming hinihingi ang mga babae at paiba-iba ang isip ng mga ito. Sa madaling salita, ang mga babae raw ay magastos at mahirap kasama. Ngunit sa kaligitnaan ng patalastas, pinatunayan ng batang babae na mali ang mga pinagsasabi ng batang lalaki. Sinabi ng babae na “fries” lang naman ang gusto niya at hindi yung mga mamahaling kagamitan. Noong narinig ito ng kasama niyang lalaki, siya ay nagulat at hindi makapaniwala. Sa katapusan ng patalastas, ang kagustuhan ng batang babae ay sinundan ng kasama niyang batang lalaki.


            Sa patalastas na ito, itinaguyod ang layuning feminismo sa tatlong paraan. Ang una ay ang pagpapatunay ng batang babae na hindi sila yung ikinaakala ng batang lalaki. Sila ay mga simpleng tao lamang at kaya nilang mamuhay kahit wala yung mga mamahaling gamit. Ang pangalawang patunay naman ay ang pagsunod ng batang lalaki sa kagustuhan ng batang babae. Dahil nga napatunayan ng batang babae na ang mga babae ay simpleng tao lamang, ang dating madamot na lalaki ay napaisip at napabili tuloy ng pagkain para sa batang babae. Ang ang huling patunay sa patalastas na itinataguyod nito ang layuning feminismo ay ang kataasan ng mga tauhan. Hindi man ito kunektado sa mismong patalastas, ngunit para sa akin, ang kataasan ng mga bata ay simbolo ng lakas. Sa sitwasyon na ito, ang batang babae ay mas matangkad kaysa sa batang lalaki. Sa medaling salita, ipinapakita nito na ang babae ay mas dominante kaysa sa mga lalaki.

No comments:

Post a Comment