Ang kantang overdrive ng banding eraserheads ay nakasentro sa kagustuhan ng lalaki na magmaneho at ang mga pwede niyang magawa dahil sa kakayahang ito. Sa banding umpisa ng kanta, inilalahad niya na marami siyang gusting puntahan tulad ng Baguio, Batangas at Bicol. Sinabi rin dito na marami siyang gusting dalhin na mga kasama sa kanyang mga nais puntahan tulad ng kanyang girlfriend at mga kaibigan. Nais rin niyang magbaon ng maraming pagkain sa mga paglalakbay na ito tulad ng burger, fries at tapsilog.
Subalit, habang tumatakbo ang kanta, tila lumalabo nang lumalabo ang nais niyang sabihin. Gusto rin niya daw kasi magmaneho hanggang Visayas at Mindanao na malalayong lugar at karaniwang linalakbay ng mga barko at eroplano at hindi ng kotse lamang. Gusto rin daw niya magmaneho buong taon at pati na rin habang buhay na kung ating mamarapatin ay imposibleng magawa.
Sa banding huli ng kanta, sinabi niya rito na "please please lang turuan mo akong magdrive…" Dito nagsimualang mag-iba ang ihip ng hangin sa kantang ito. Malakas pala mangarap ang lalaking nagsasalaysay sapagkat di pala siya marunong mag-drive ngunit ang dami na niyang naisip na pwedeng gawin at puntahan.
Sa huli, inamin din niya na gusto lamang niya matuto mag-drive kahit wala daw siyang kotse at lisensya. At inulit-ulit ang pagsabi sa mga salitang "gusto kong mag-drive" at "drive" hanggang sa tuluyang naglaho ang kanta.
No comments:
Post a Comment