May
dalawang tauhang pinag-iikutan ng kanta, itoy ay isang lalaki at isang babae.
Ang lalaki ay mayroong nakitang magasin, kung saan napansin niyang nilalaman
nito ang kanyang dating kasintahan. Sa unang berso, kanyang binaggit ang ngyari
nung sila ay magkasintahan pa. Sinabi niyang hindi niya inakalang sisikat ang
babae, sa kadahilanang ‘di siya masayadong maganda. Sa katunayan pinagtawanan
pa nga niya ang babae dahil dito. Ngunit ating makikita na sumikat nga pala ang
babae. Patunay rito ang kanyang pagkakalagay sa magasin.
Sunod dito ay ang koro. Akin munang
babanggittin, mag-iiba ang pananaw ng koro base sa bahagi ng kanta bago ito.
Balik muli tayo sa anong nais sabihin ng koro matapos ang unang berso. Sinasabi
ng lalaki na malaki ang pinagbago ng babae. Nag-iba ang kanyang tingin, ngiti
at iba pa. Dahil dito napa dalawang isip ang lalaki sa mga ngyari nung
nakaraan. Mas nasawi pa nga ang lalaki dahil wala siyang pera upang mabili ang
magasin.
Sa sunod na berso binaggit ang mga
posibleng nagbago sa pamumuhay ng babae dahil sa kanyang pagkasikat. Mga
patunay dito ang pagbanggit na baka may kotse na ang babae, o kaya naman
kilalang taga-gawa ng damit ang gumagawa ng kanyang mga sinusuot. Ganun pa rin
ang pananaw ng koro matapos ng bersong ito.
Sa ikatlong berso pumapasok ang mga
element ng feminismo. Dito napansin ng lalaki na bastos na magasin pala ang
magasing kanyang nakita. Dahil sa pagkakabanggit na bastos pala ang magasin,
puwede nating sabihin na binenta ng babae ang kayang sarili upang maging sikat.
Dahil dito iba na ang ibig sabihin ng pagbago ng tingin ng lalaki sa babae na
binanggit sa koro. Nagbago ang tingin niya sa babae sa katauhan naman dahil sa
pagpasok nito sa mundo ng mga bastos na magasin.
Una ano nga ba ang relasyon ng
lalaki sa babae? Maririnig natin sa simula na binanggit ng lalaki ang linyang
“naalala mo pa ba nung tayo pang dalawa.” Ibig sabihin nito sila ay dating
magkasintahan. Isa pang relasyon ng dalawa ay ang sa simula ‘di mataas na
tingin sa babae. Ang tingin na aking sinasabi ay ang kanyang pag-isip na ‘di
kaya ng babae sumikat dahil sa kanyang pagkakakilala ditto at itsura. Ngunit
nalaman nga niyang ito ay pinatunayang mali ng babae sa pamamagitan ng magasin
kung saan nakita ng lalaki ang kanyang litrato.
Ngayon
naman ay kung paano makikita ang feminismo sa akda. Sa aking palagay hindi
sumusuporta sa feminismo ang kanta. Binababa nito ang pagkatingin sa mga babae.
Nung simula hindi inakala ng lalaki na sisikat ang babae. Ito siguro ang
nagtulak sa babae upang patunayan sa lalaki na kaya niyang sumikat. Ngunit ang
pamamaraan na kanyang ginamit ay hindi ganoong malinis. Upang siya ay sumikat
ay ginamit niya ang bastos na magasin. Tulad ng nasabi kanina, ang kayang ay
parang pagbebenta ng sarili. Dahil dito ang linyang “pagbili sa mukha mong
maganda” ay maari ng interpretahin bilang pagbili sa babae. Sinasabi nito na
minsan upang maka-angat ang babae sa lipunan ay kailangan niyang ibenta ang
sarili para magawa ito.
No comments:
Post a Comment