SARI-SARING PAGSUSURI NG IBA'T IBANG URI

SARI-SARING PAGSUSURI NG IBA'T IBANG URI

Wednesday, February 29, 2012

Marxismong Pananaw: Upuan by Gloc-9 feat Jeazell Grutas ni Ian Jamila


                  Ipinapakita sa bidyo na ito ang intensyon ng may-akda na maipakita ang mga pinagkaiba at katangian ng mga mayayaman at mahihirap sa lipunan. Bilang isang bidyo na nasa wikang Tagalog, ang mga manonood ay mga Pilipino kung saan palaki pa rin ng palaki ang agwat ng mayayaman sa mga mahihirap dahil sa korrupsyon sa gobyerno at kawalan ng bahala ng mga ibang mamamayan.
                   Sa unang parte ng bidyo ay ipinapakita ang dalawang uri ng mga tao sa lipunan. Ang isa ay ang mga taong nakasuot ng barong at mga alahas na maaaring nagpapakita ng pagiging magara at mayaman. Nakaupo rin sila sa isang mataas na upuan na nagsasabing mataas ang kanilang posisyon sa lipunan. Ipinapakita naman ang mahirap na naglilinis ng upuan ng mayaman, napakapayat, halos walang damit at tila nakaluhod lang sa tabi ng mga taong mayaman.
                   May isang eksena kung saan ipinakita ang tatlong lalaki na maaaring may mga posisyon sa politika dahil madalas ay barong ang sinusuot dito. Naka takip ang kanilang bibig, tenga at mata gamit ang mga sarili nilang kamay na nagsasaad na sinasadya nila ito. Sinasabi nito na ang mga taong mayayaman o nasa politika ay winawalang bahala lamang ang isyu ng kahirapan sa lipunan sa gitna ng paghihirap ng iba. Habang kumakain rin at tinatapon ng mayaman na nakaupo ang kaniyang kinakain ay pinupulot ng mahirap ang mga hinuhulog na basura nito dahil sa tindi ng gutom at kahirapan. Imbis na tulungan ng mayayaman ang mahihirap ay lalo pa nila itong inaapi kahit na tira-tira na nga lamang ang nakukuha.
                      Sa bandang huli ay sinampal ang lalaking nakaupo na sumisimbulo sa isang pagkagising. Napagtanto ng mayaman ang kalagayan ng mahihirap at sinubukan na mabuhay sa kaniyang kalagayan. Tulad ng mahirap na tao ay nagsimula rin siyang mapagod at pawisan. Sa isang banda ay ipinakita na nakatayo ang isang tao kasabay ang taong mahirap lamang. Sinasaad nito na kahit may pagkakaiba sa kayamanan ay pantay pa rin ang katauhan ng mahihirap at mayayaman. Kailangan lamang nilang magsimulang magising sa katotohanan at maisip na tulungan at magtrabaho kasama ang mahihirap upang umahon ang kanilang kalagayan sa buhay kasama natin.
                     Ang layunin ng teoryang ito ay ipakita na ang tao o sumasagisag sa tao ay may sariling kakayahan na umangat buhat sa pagdurusang dulot ng pang-ekononiyang kahirapan at suliraning panlipunan at pampulitika. Ang mga paraan ng pag-ahon mula sa kalugmukan sa adka ay nagsisilbing modelo para sa mga mambabasa.

No comments:

Post a Comment